Powered By Blogger

Sabado, Hulyo 2, 2011

Walang Traffic sa PiNas. Tuwid ang mga daan dito.

Parami na ng parami ang mga taong pumapasok sa trabaho sa umaga at umuuwi sa gabi kaya hindi rin maiiwasan ang mahabang trapiko na mararanasan mo bago ka makapasok at makauwi sa iyong bahay. Kaya ang ginagawa ng ilang mga PiNoy kung alas diyes (10 a.m.) ang pasok nila ay aalis sila ng bahay ng alas siyete ng umaga (7 a.m.) ritwal na ata yan sa kultura ng mga PiNoy dahil alam na natin kung gaano kadikit-dikit ang kanto at kalalapit ang mga stop light dito sa atin. Kaya kahit ang lapit lang ng papasukan mo ay sigurado akong aabutin ka ng siyam-siyam bago ka makarating sa pupuntahan mo. Kung tinatanong mo kung bakit ganito kabagal at ganyan ang mga kalsada sa PiNas? Subukan mo na lang mag tanong sa kanila:


Pero ang hindi magandang experience sa mahabang trapiko na madadaanan mo, Ay,  yung pamamanhid ng puwitan mo dahil sa pag hihintay,  Ang mababangong itim na usok mula sa mga humaharangkadang bus at truck, Ang sobrang init ng sikat ng araw, at kung pawisin ka sigurado akong papasok ka ng opisina ng basang-basa ang kili-kili. Pero ang pinaka malas ay pag nadaanan ka ng truck ng mga baboy at dumikit sayo ang amoy, eh sigurado ako lahat ng dadaanan mong tao ay nakaganito: 


Wag na kayong mag reklamo kung bakit ganito ang kalsada at mga stop light dito sa PiNas basta maging masaya ka na lang dahil sa PiNas mo lang makikita ang ganitong klase ng kalsada. Saka simbolo lang din yan kung gaano kabagal ang usad ng mga saksakyan ganyan din kabagal ang usad ng gobyerno, mga kaso, mga trabaho, at ang pag unlad ng bansang ito. Kaya ang magandang gawin ay dumaan na lang tayo sa tuwid na daan na pinapagawa ni PiNoy, Saan kaya makikita yun?.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento