Isa sa pinaka maraming tao na lugar dito sa pilipinas ay ang DIVISORIA na matatagpuan sa lungsod ng Maynila. Isa ito sa mga pinupuntahan ng mga mamimili upang makamura. Dito kasi ang bagsakan ng mga produkto ng gulay at isda mula sa ibat-ibang probinsya. Sa divisoria rin makikita ang ibat-ibang lahi dito sa mundo pero kalimitan ay mga klase ng tao na nasa kontinente ng ASIA tulad ng Chinese, Korean at Japanese kung di ka taga rito, sigurado akong mapagkakamalan mong bansang China or Korea ang lugar na ito at ang mga dayuhan ay ang mga PiNoy. Wow, tumaas na rin ang kalidad ni P-noy (ng Pinoy) pero ang hindi lang maganda ay sa sariling bayan mo na nga alipin ka pa rin ng mga dayuhang mga investor o businessman sa lugar na ‘to. kaya wag na wag kang tatawad kung ayaw mong masabihan ng " ay wara tawad, rugi negosyo, yan tama rahat".
Kadalasan makikita mo rin sa lugar na ‘to ang mga bestfriend ng mga PiNoy ang mga KANO o AMERIKANO na tinatakbuhan natin kapag di na natin kaya ang kalaban para bang mga bata na tumatakbo sa mga KUYA nila kapag ginulo sila ng mga kolokoy sa eskwelahan. Tulad na nangyari sa S…..Wag na nating bangitin baka sabihin namumulitika tayo. Mag tanong na lang kayo kay Big Brother. Kung nagtataka naman kayo kung bakit napapadpad ang mga KUYA natin dito, Trip lang talaga nilang mag ikot-ikot sa sik-sikan at napakaingay na lugar na ito. Na sumisigaw “Bili-bili na kayo murang-mura lang, sariwa parang bata..”. Pwede rin nag bibilang sila kung gaano na kadaming basura ang makikita sa pilipinas o di kaya nag bibilang sila kung gaano na karami ang walang trabaho sa atin. pero malay niyo gusto rin nilang maranasan ang mag paputik sa mabahong amoy ng mga kanal na galing sa isdang PiNoy.
Pero ang pinaka maganda dito ay ang iba’t-ibang klase ng PiNoy na makikita na namimili at umiikot-ikot dito. May mga mayayaman, Meron ding may kaya sa buhay , May tama lang at yung kapos palad. pero hindi yan ang dahilan kaya ito dinadayo ng maraming PiNoy. Ito ay dahil sa ibat-ibang paninda o produkto na pwede mong mabili ng maramihan at sa murang halaga lang. Yun nga lang kailangan mong mag ingat sa mga klase ng PiNoy na naririto tulad ng PiNoy na mahilig pumuwesto sa likod at ipasok ang kamay nila sa loob ng bulsa at bag para kumuha ng gamit o mahahalagang bagay na pwede nilang maibenta, Meron ding mga PiNoy na mahilig mang hablot ng mga alahas o mga palamuti na nasa katawan, Meron din suicidal na nanunutok na ng patalim, Meron din mag bibigay sayo ng ligayang panandalian, murang-mura lang at sariwa pa sigurado kang kahuhuli lang sa isla puting bato. Pero kung ikaw naman ang tipo ng PiNoy na may dugong Bonifacio at gustong mag pa ka-HERO, Pwedeng-pwede kang sumigaw o sitahin ang mandurukot at sabihin dun sa binibiktima niya na dinudukutan na siya o habulin ang snacher na ng hablot ng alahas pero ewan ko lang kung bukas o sa makalawa kung nasa Libingan ng BAYANI ka na o kaya meron ka ng rebulto na tulad ng kay Magsaysay na matatagpuan sa DIVISORIA.
Kung hindi naman ikaw ang tipo ng PiNoy na may dugong BAYANI eh, maki-tsismis ka na lang dito:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento