Sa pag lago ng billboard bilang epektibong pag aadbertisa ng mga produkto dito sa ating bansa dumarami na rin ang mga nag susulputang mga nag lalakihan at nag liliitang mga billboard sa paligid ng mga kalsada sa Metro Manila para ba silang mga kabute. Mas mura kasi ang ganitong klaseng pag aadbertisa ng pang matagalan kumpara sa TV at Radyo. Pero ang di nakakatuwang bagay ang mapalibutan tayo ng billboard ng mga naglalakihang katawan at mga nakasuot na brief kung hindi naman mga kababaihang naka panty at bra. Mahilig na ba talaga ang mga PiNoy sa Brief, malalaking katawan, panty at bra? Tingnan niyo ‘to?
Ito ang mga billboard na makikita sa EDSA:
Pinag uusapan na ba nating mga PiNoy kung anong klaseng brief, panty at bra meron tayo o kaya kung may 6 pack abs tayo sa katawan? Kapag nag susuot naman tayo ng ganitong klaseng mga kasuotan hindi naman ito nakikita pwera na lang kung pinapansin na natin kung anong klaseng brief at panty ng kaibigan natin o ng katabi natin sa Jeep, MRT at Bus? Katulad nito: “Pare, ano brief mo ngayon Bench ba? Maganda ba design? Patingin nga?” “ako maganda brief ko bagay sa 6 pack abs ko. Gusto mo tingnan?” O kapag ginanito ka ng kasama mo sa Jeep, MRT at Bus “Pare, ganda ng brief mo ah? San mo nabili? Pahipo nga kung maganda yung tela??” parang hindi naman maganda pakinggan. kung sa babae naman. Nasa Pampublikong lugar: “Girl, pasilip naman ng panty at bra mo? Anong kulay? Pasukat nga para makabili ako bukas kung maganda?” mmmmm. Pero mas maganda ata ‘tong pag usapan sa senado o di kaya bulong-bulungan na talaga ang ganitong klaseng usapin o nag huhulaan kung anong klaseng underwear meron sila?:
Limang taon na ang nakakalipas ng ideklara ng MMDA na delikado para sa mga taong dumadaan, sa mga bahay sa paligid nito at sa mga sasakyan. Matapos kasing tumumba ang mga billboard dahil sa bagyong milenyo ay marami ang na disgrasya pero ang nakakapagtaka bakit hanggang ngayon ay meron pa ring ganitong klase ng billboard ang makikita sa ating bansa? Hindi lang yan dahil nadagdagan pa ito ng mga nag lalakihang katawan at mga brief, panty at bra. Wala naman sigurong masama, Ang masama lang ay pag nakita ng mga bata ang ganitong klaseng malalaswang imahe at nag pa picture sila ng tulad ng nasa billboard sigurado akong pag nalaman ng mga magulang nila ay ganito ang magiging itsura nila: