Powered By Blogger

Sabado, Agosto 6, 2011

KATARUNGAN

Nasaan ang katarungan ng batasan,
Na dapat sinusunod ng karamihan
Utos nitong mga may kapangyarihan
Patuparin dapat sundin ng lipunan.



Naupo sa mataas na katungkulan
Pinapatupad walang patutunguhan.
Mga na halal sa mga dapat kalagyan
Pinaiiral itong mga kayabangan.


Pulitikong krisis nitong ating bansa,
Ibat-ibang rally sa high-way ng EDSA,
Korupsyon nitong ating pamahalaan,
Mga pulitiko dapat ng turuaan.





Paano uunlad itong pamayanan
Kung walang pantay-pantay na pagtitinginan
Sanay magkaroon na pagkakaisa
Para sa ating bayan na sinisinta.

Lunes, Hulyo 11, 2011

PiNoy mahilig na ba sa makulay na Brief?

Sa pag lago ng billboard bilang epektibong pag aadbertisa ng mga produkto dito sa ating bansa dumarami na rin ang mga nag susulputang mga nag lalakihan at nag liliitang mga billboard sa paligid ng mga kalsada sa Metro Manila para ba silang mga kabute.  Mas mura kasi ang ganitong klaseng pag aadbertisa ng pang matagalan kumpara sa TV at Radyo. Pero ang di nakakatuwang bagay ang mapalibutan tayo ng billboard ng mga naglalakihang katawan at mga nakasuot na brief kung hindi naman mga kababaihang naka panty at bra. Mahilig na ba talaga ang mga PiNoy sa Brief, malalaking katawan, panty at bra? Tingnan niyo ‘to?
Ito ang mga billboard na makikita sa EDSA: 




Pinag uusapan na ba nating mga PiNoy kung anong klaseng brief, panty at bra meron tayo o kaya kung may 6 pack abs tayo sa katawan? Kapag nag susuot naman tayo ng ganitong klaseng mga kasuotan hindi naman ito nakikita pwera na lang kung pinapansin na natin kung anong klaseng brief at panty ng kaibigan natin o ng katabi natin sa Jeep, MRT at Bus? Katulad nito: “Pare, ano brief mo ngayon Bench ba? Maganda ba design? Patingin nga?” “ako maganda brief ko bagay sa 6 pack abs ko. Gusto mo tingnan?” O kapag ginanito ka ng kasama mo sa Jeep, MRT at Bus “Pare, ganda ng brief mo ah? San mo nabili? Pahipo nga kung maganda yung tela??” parang hindi naman maganda pakinggan. kung sa babae naman. Nasa Pampublikong lugar: “Girl, pasilip naman ng panty at bra mo? Anong kulay? Pasukat nga para makabili ako bukas kung maganda?” mmmmm. Pero mas maganda ata ‘tong pag usapan sa senado o di kaya bulong-bulungan na talaga  ang ganitong klaseng usapin o nag huhulaan kung anong klaseng underwear meron sila?: 




Limang taon na ang nakakalipas ng ideklara ng MMDA na delikado para sa mga taong dumadaan, sa mga bahay sa paligid nito at sa mga sasakyan. Matapos kasing tumumba ang mga billboard dahil sa bagyong milenyo ay marami ang na disgrasya pero ang nakakapagtaka bakit hanggang ngayon ay meron pa ring ganitong klase ng billboard ang makikita sa ating bansa? Hindi lang yan dahil nadagdagan pa ito ng mga nag lalakihang katawan at mga brief, panty at bra. Wala naman sigurong masama, Ang masama lang ay pag nakita ng mga bata ang ganitong klaseng malalaswang imahe at  nag pa picture sila ng tulad ng nasa billboard sigurado akong pag nalaman ng mga magulang nila ay ganito ang magiging itsura nila: 




Sabado, Hulyo 2, 2011

Walang Traffic sa PiNas. Tuwid ang mga daan dito.

Parami na ng parami ang mga taong pumapasok sa trabaho sa umaga at umuuwi sa gabi kaya hindi rin maiiwasan ang mahabang trapiko na mararanasan mo bago ka makapasok at makauwi sa iyong bahay. Kaya ang ginagawa ng ilang mga PiNoy kung alas diyes (10 a.m.) ang pasok nila ay aalis sila ng bahay ng alas siyete ng umaga (7 a.m.) ritwal na ata yan sa kultura ng mga PiNoy dahil alam na natin kung gaano kadikit-dikit ang kanto at kalalapit ang mga stop light dito sa atin. Kaya kahit ang lapit lang ng papasukan mo ay sigurado akong aabutin ka ng siyam-siyam bago ka makarating sa pupuntahan mo. Kung tinatanong mo kung bakit ganito kabagal at ganyan ang mga kalsada sa PiNas? Subukan mo na lang mag tanong sa kanila:


Pero ang hindi magandang experience sa mahabang trapiko na madadaanan mo, Ay,  yung pamamanhid ng puwitan mo dahil sa pag hihintay,  Ang mababangong itim na usok mula sa mga humaharangkadang bus at truck, Ang sobrang init ng sikat ng araw, at kung pawisin ka sigurado akong papasok ka ng opisina ng basang-basa ang kili-kili. Pero ang pinaka malas ay pag nadaanan ka ng truck ng mga baboy at dumikit sayo ang amoy, eh sigurado ako lahat ng dadaanan mong tao ay nakaganito: 


Wag na kayong mag reklamo kung bakit ganito ang kalsada at mga stop light dito sa PiNas basta maging masaya ka na lang dahil sa PiNas mo lang makikita ang ganitong klase ng kalsada. Saka simbolo lang din yan kung gaano kabagal ang usad ng mga saksakyan ganyan din kabagal ang usad ng gobyerno, mga kaso, mga trabaho, at ang pag unlad ng bansang ito. Kaya ang magandang gawin ay dumaan na lang tayo sa tuwid na daan na pinapagawa ni PiNoy, Saan kaya makikita yun?.


Biyernes, Hulyo 1, 2011

DIVISORIA: Maganda at Masaya dito. Bili na!

Isa sa pinaka maraming tao na lugar dito sa pilipinas ay ang DIVISORIA na matatagpuan sa lungsod ng Maynila. Isa ito sa mga pinupuntahan ng mga mamimili upang makamura. Dito kasi ang bagsakan ng mga produkto ng gulay at isda mula sa ibat-ibang probinsya.  Sa divisoria rin makikita ang ibat-ibang lahi dito sa mundo pero kalimitan ay mga klase ng tao na nasa kontinente ng ASIA tulad ng Chinese, Korean at Japanese kung di ka taga rito, sigurado akong mapagkakamalan mong bansang China or Korea ang lugar na ito at ang mga dayuhan ay ang mga PiNoy. Wow, tumaas na rin ang kalidad ni P-noy (ng Pinoy) pero ang hindi lang maganda ay sa sariling bayan mo na nga alipin ka pa rin ng mga dayuhang mga investor o businessman sa lugar na ‘to. kaya wag na wag kang tatawad kung ayaw mong masabihan ng " ay wara tawad, rugi negosyo, yan tama rahat". 

 Kadalasan makikita mo rin sa lugar na ‘to ang mga bestfriend ng mga PiNoy ang mga KANO o AMERIKANO na tinatakbuhan natin kapag di na natin kaya ang kalaban para bang mga bata na tumatakbo sa mga KUYA nila kapag ginulo sila ng mga kolokoy sa eskwelahan. Tulad na nangyari sa S…..Wag na nating bangitin baka sabihin namumulitika tayo. Mag tanong na lang kayo kay Big Brother. Kung nagtataka naman kayo kung bakit napapadpad ang mga KUYA natin dito, Trip lang talaga nilang mag ikot-ikot sa sik-sikan at napakaingay na lugar na ito. Na sumisigaw “Bili-bili na kayo murang-mura lang, sariwa parang bata..”. Pwede rin nag bibilang sila kung gaano na kadaming basura ang makikita sa pilipinas o di kaya nag bibilang sila kung gaano na karami ang walang trabaho sa atin. pero malay niyo gusto rin nilang maranasan ang mag paputik sa mabahong amoy ng mga kanal na galing sa isdang PiNoy.

 
Pero ang pinaka maganda dito ay ang iba’t-ibang klase ng PiNoy na makikita na namimili at umiikot-ikot dito. May mga mayayaman, Meron ding may kaya sa buhay , May tama lang at yung kapos palad. pero hindi yan ang dahilan kaya ito dinadayo ng maraming PiNoy. Ito ay dahil sa ibat-ibang paninda o produkto na pwede mong mabili ng maramihan at sa murang halaga lang. Yun nga lang kailangan mong mag ingat sa mga klase ng PiNoy na naririto tulad ng PiNoy na mahilig pumuwesto sa likod at ipasok ang kamay nila sa loob ng bulsa at bag para kumuha ng gamit o mahahalagang bagay na pwede nilang maibenta, Meron ding mga PiNoy na mahilig mang hablot ng mga alahas o mga palamuti na nasa katawan, Meron din suicidal na nanunutok na ng patalim, Meron din mag bibigay sayo ng ligayang panandalian, murang-mura lang at sariwa  pa sigurado kang kahuhuli lang sa isla puting bato.  Pero kung ikaw naman ang tipo ng PiNoy na may dugong Bonifacio at gustong mag pa ka-HERO, Pwedeng-pwede kang sumigaw o sitahin ang mandurukot at sabihin dun sa binibiktima niya na dinudukutan na siya o habulin ang snacher na ng hablot ng alahas pero ewan ko lang kung bukas o sa makalawa kung nasa Libingan ng BAYANI ka na o kaya meron ka ng rebulto na tulad ng kay Magsaysay na matatagpuan sa DIVISORIA. 


Kung hindi naman ikaw ang tipo ng PiNoy na may dugong BAYANI eh, maki-tsismis ka na lang dito:   
    


Huwebes, Hunyo 30, 2011

Jejemon ang pambasang wika ng Pilipinas!

Mahalaga ang Linggwistika sa pag aaral ng mga bata. Dapat itinuturo sa kanila ang ibat-ibang salita na kailangan nilang matutunan, pero paano kung itinuturo na rin sa paaralan ang ganitong klaseng salita “'e0wSsZz pOwhhZz mUsZtAhH nUah pOwhHzz kEowHsz?'jejeje”.Malamang  hindi mo naintindihan. pero ang pagtawa ng "jejeje" sa salitang espanyol ay katumbas ng "hehehe". Espanyol nga talaga ang sumakop sa atin. Pero kapag nakita mo ang isang Foreigner na nag salita ng ganyan sigurado ako kay P-NOY galing yan este sa PINOY galing yan.  At least kahit papaano hindi na tayo masasabihan na gaya-gaya lang sa mga matatalinong buwaya na makikita sa CHINA.

Dito ata magagaling ang pinoy sa pag imbento ng maraming wika tulad ng “Chuvaness, Eklabush at Aura” salita yan ng mga chuvaness o tinatawag na Gay Lingo sa Pilipinas pero nag tataka ka ba kung saan galing yan. Itanong mo na lang kay chuvaness master. Maraming mga kabataan ang tuwang-tuwa sa ganitong klaseng salita sa araw-araw. Ewan ko kung na boboring lang ang mga kabataan sa pag tetext at gusto ang maikling salita tulad ng “PO” ay pinahahaba ng ganito “PowhHzz”. Pero pwede rin na nag tatago sa nanay o tatay para hindi mahuli kung ano ang sinasabi sa ka-text mate o boyfried or girlfriend. Kaya siguro hindi na mapigilan ang pag dami ng mga kabataang nabubuntis ng maaga. Marahil dahil yan sa mga bagong salita na ginagamit ng mga bata tulad nito. “kT4 +4y0 $4 m4y k~n+0” “…bk1+” …“m46 cjUcjUrv4h4n +4y0”.  Kaya pag nabasa ng mga magulang ang ganitong klaseng text iisipin ng mga ito na nag aaral ang mga anak nila ng Algebra, Geometry, Calculus o Mathematics. Matatalino na talaga ang kabataang ngayon, walang kaduda-duda na tama si rizal ng sabihin niyang “Ang Kabataan ang Pag-Asa ng bayan” pero parang PATAY na ata ang mga kabataang sinabihan ni Rizal ng talinghaga na yan. Tingnan mo 'to:



Dahil sa parami na ng parami ang mga kabataang nag sasalita ng ganitong klase ng lenguahe ay baka hindi na natin mamalayan na baka sa susunod na mga araw, buwan at taon ay ito na ang pambasang wika natin. “m4bUh4yzz 4n6 p171p1n4$”……